Friday, December 21, 2012

ANG GITNANG PANAHON

Ang Pag-unlad ng Kalakalan

       Pagkaraan ng 400 CE, halos naglaho ang kalakan sa Kanlurang Europa. Bagama't may palitan ng produkto, hindi ito malawak na laganap.

      Lumiit an populasyon sa mga lungsod at bayan. Sa pagbagsak ng komersiyo, may ilang bayan na tuluyan ng naglaho.

      Maraming bagay ang humadlang sa kalakalan sa panahong ito. Nagkaroon ng kakapusan ng salapi, nasira ang mga daanan at tulay, at kinakakatakutan ang mga paglalakbay dahil sa mga pirata at mga magnanakaw na gumagala.

     Sa peninsula ng Italy, muling nabuhay ang kalakalan dahil sa maganda nitong kinaroroonan. Nakalatag ito sa Hilagang Europa kung saan ang mga tao ay nagkakaroon ng interes sa mga produktong nanggagaling sa silangan. Ang mga produkto mula sa silangan ay dinadala pakanluran ng mga mangangalakal na Intsik at Muslim sa pamamagitan ng tatlong ruta:


  • mula sa daungan sa Black Sea ay nagtungo sila sa Constantinople sakay ang mga barkong pangangalakal
  • mula sa Indian Ocean at Red Sea hanggang marating ang mga daungan sa Ehipto
  • mula sa Persian Gulf ay naglakbay ang mga mangangalakal hanggagng marating ang kalupaan patungo sa mga daungan sa Silangang Mediterranean
   Ang mga Italyano ang mga tagapamagitan ng mga mangangalakal na galing sa Asya at sa mga mangangalakal buhat sa Kanlurang Asya at Hilagang Europa. Ang mga lungsod-Pisa ay nagkaroon ng karapatan sa kalakalan sa Constantinople, Syria, Palestine, at Hilagang Africa. Noong mga panahong iyon, ang karapatang ito ay binili o ipinaglalaban.

    Mula sa daungan ng Italy, ang mga produktong ito ay inihahatid ng tren patungong Hilagang Italy hanggang sa ibayo ng Alps sa Gitna at Hilagang Europa. Ang ruta sa kalakalan ay nagpasigla at nagpalago ng mga lungsod sa Lombardy, Timog France, at Alemanya.

   Ang muling paglakas ng komersiyo ay nagpasigla rin sa Hilagang Europa. Bago ang taong 1000 CE, ang mga mangangalakal na Viking mula sa Kiev ay madalas maglakbay sa mula sa Black Sea patungong Constantinople upang mangolekta ng mga paninda mula sa silangan. Dsinala ang mga ito pahilaga at ibinenta sa mga lungsod sa Hilagang Europa.

  Ang sdating ruta na daanan ng mga Viking ay nagsdurugtung sa Baltic Sea at North Sea sa Britain, babayin ng Atlantic Sea sa Europa at sa Mediterranean Sea. Noong 1100, ginamit ng mga mangangalakal na Aleman ang ruta sa Baltic Sea at baybayin ng Atla, at sa simula ng 1200 ay nakipagkalakalan na rin ang mga Italian sa baybayin ng Atlantic. Ang mga barkong pangangalakal na nanggaling sa Genoa at Venice ay palagiang naglalakbay patungong Britain at Flanders. Ang rehiyon ng Flanders na ngayon ay bahagi ng Belgium at Hilagang France ang tagpuan ng mga ruta patungo sa ibayo ng France, pababa sa Rhine River sa Alemanya, sa English Channel sa Btitain hanggang sa baybayin ng Baltic Sea.

   Ang damit na yari sa lana na pangunahing prosdukto ng Flanders ay naging mabenta sa Europa. Ang Flanders ay naging punong himpilan ng mga kayo (leather) sa Europa noong 1200. Ang mga lungsod ng Ghent at Bruges ang naging sentro ng pamayanan at kultura sa rehiyon.

2 comments:

  1. Mula sa daungan ng Italy, ang mga produktong ito ay inihahatid ng tren patungong Hilagang Italy hanggang sa ibayo ng Alps sa Gitna at Hilagang Europa. Ang ruta sa kalakalan ay nagpasigla at nagpalago ng mga lungsod sa Lombardy, Timog France, at Alemanya.

    Bakit mayroong tren nuong gitnang panahon ng europa??? kailan lang naman naimbento ang tren..?

    ReplyDelete