Ang edukasyon ay umunlad sa tulong na salik:
- Ang pagsibol ng mga lungsod at paglitaw ng gitnang uri ng mga tao
- Ag mga reporma sa Simbahan
- Ang ugnayan ng mga tao sa iba't ibang kultura
Irneius |
Ang batas Roman ay kinalugsdan at nakaakit sa mga pinuno., gayunsdin sa mga bagong pangkat ng mga negosyante. Sa ilalim ng batas Roman ay pinayagan ng sukdulang kapangyarihan ng emperador. Ito ay gustong gayahin ng mga pinunong pyudal. Sa panig naman ng mga negosyante, malaki ang pakinabang ang itinakda ng batas Roman sapagkat pinayagan ito ng pautang na may patubo, ang pag-aangkat ng mura, at pagbebenta ng mataas na halaga.
Peter Abelard |
Noong panahong iyon, sumikat ang mga paaralang pinatakbo ng mga katedral. Ang Notre Dame sa Paris ay pangunahin sa mga paaralang ito. Ang kilalang guro ang iskolar na si Peter Abelard, ang daan tungo sa karunungan ay nagsimula sa pagdududa, matapos ay sa pagtatanong, at pagkatapos ay susundan pa ng masa maraming tanong. Ang katuoran ni Abelard ay nakatulong ng malaki sa paggamit ng katwiran.
Isa pang sikat sa panahonag iyon si Thomas Aquinas. Kabilang siya sa Orden ng Dominicano. noong kabataan niya, siya ay matalinong tagapanayam at manunulat. Itinuro niya na ang katwiran at pananampalataya ay kapwa biyaya ng Dios., kaya't may ilang katotohanan na maaring mauunawaan sa pamamagitan ng pangangatwiran, samantalang may iba'ng katotohanan sa Kristiyanismo lamang mauunawaan sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang kanyang mga argumento ay nakasaad sa aklat na Summa Theologica.
Thomas Aquinas |
Lumaganap ang kaalamang siyentipiko sa huling bahagi ng Gitnang Panahon. Ang Algebra na galing sa mga Arab, ang Trigonometry na galing sa mga muslim, at ang Geometry ni Euclid ay nakadagdag sa saklaw at pagiging eksakto ng matematika. Ang mga isinulat ng mga Arab at Greek sa biyolohiya ay naging sikat at ginamit ng mga doktor.
Ang mga mongheng Ingles na si Roger Bacon ang nagpa-unlad ng kaalamang Siyentipiko. ayon sa kanya, Ang pagkatuto ay dapat na ibatay sa obserbasyon at karanasan. Dahil dito, Siya ay binatikos ng mga taong hindi naniniwala sa ideya niya. Ipinagbawal ang kanyang mga aklat at nabilanggo siya sa loob ng labinlimang taon. Nahulaan ni Roger Bacon ang pagdating ng mga barkong pinatatakbo sa lakas ng makina, kotse at makinang lumilipad.
No comments:
Post a Comment