Friday, December 21, 2012

- Sining

  Naging popular ang iba't ibang uri ng panitikan noong Gitnang Panahon. Ang mga estusdyante sa mga unibersidad ay sumulat ng mga tula. Ginamit ang salitang Latin sa pagsusulat. Ang unang katutubong panitikan ay ang epiko, isang mahabang tula tungkol sa pakikipagsapalaran ng mga magigiting na bayani tulad ng Beowulf na nakasulat sa wikang Anglo-Saxon. Sa Britain, may mga kasaysayan tungkol kay Haring Arthur at sa kanyang mga kabalyero na naging tanyag sa buong Europa. Ang Franxce naman ay may Song of Roland. Si Rolansd ay isang matapang na kabalyero na nasawi sa Espanya habang binabantayan niya ang pag-urong ng mga hukbo ni Charlemagne sa hilaga matapos ang nabigong kampanya laban sa mga muslim. Sa Alemanya, may Nibelungenlied, isang alamat tungkol sa bayaning si Siegfried  na nakakuha ng kayamanang binabantayan ng isang sdragon. 
   
Chaucer
   Sumikat sdin ang maikling kwento na ang istorya ay karaniwang katatawanan at iskansdaloso. Naging popular sdin ang istorya ng mga hayop, katulasd ng Reynard the Fox at mga ballad na gaya ng Robin Hood.
Dante


     Ang pilosopiya noong gitnang panahon ay ang pagtutugma sa mga kaisipan ni Aristotle at ng mga manunulat na mga alagad ng simbahan. Tinawag ang pilosopiyang ito na scholasticism.

   Sa larangan ng sining, halos lahat ng musika ay isinulat para sa Simbahan. Ang mga istorya sa bibliya at mga katuorang relihiyoso ay isinasadula at ginaganap sa simbahan.

  Sa arkitektura, pati ang pagpipinta at pag-ukit ay ginagawa para rin sa simabahan. Naging paksa sa arkitektura ang simbahan. Itinuring na isang proyektong pangkomunidad ang pagpapatayo at pagpapagansda    ng simbahan.

 Ang arkitekturang Romanisque ang ginamit sa pagpapatayo ng simbahan mula 1000 hanggang 1200. Ang ganitong arkitektura ay kahawig ng arkitekturang Romano na ginamitan ng mga arch at  vault. Sa kalagitnaan ng 1100, umunlasd ang estilong Gothic, tulad ng Notre Dame ng Paris at mga katesdral ng Chartres at Reims. Ang Gothic ay mataas at pino ang anyo, at may matataas na sdingsding na may malalaking bintana at matutulis na arko.

No comments:

Post a Comment